Posted on

May Kumpyansa… Pero Walang Alam

Medyo may pagka-hambog ako dati… pero lowkey lang.

Akala ko kasi, ang dami ko nang alam. Kaya sobra akong nag-rely sa sarili kong kaalaman… o sa akala kong kaalaman.

Siguro, pwede rin nating sisihin nang konti ang mga pelikula at TV shows. 😅
Lumaki akong nanonood ng marami nun… at syempre, sa bawat kwento, may bida, ‘di ba? Lahat umiikot sa kanila.

Doon ako nagkamali.

Sa movies kasi, compressed ang timeline, parang piniga ba. Yung mga bagay na aabutin ng ilang taon sa totoong buhay, pinipilit pagkasyahin sa ilang oras lang. Mabilis masolusyunan ang problema. Mabilis ang success. Parang ang dali lang ng lahat.

Kaya lumaki ako na iniisip na ganun din ang buhay—mabilis, smooth, at medyo convenient.

Lalo na pagdating sa success at negosyo.

Pero syempre, iba ang plano ng reyalidad.

Huwag mo akong i-misunderstand ha. Kung may mas matalino o mas mabilis na paraan, dapat piliin natin yun. Pero noon, sobra talaga akong walang pasensya. At sobrang confident dun sa maliit na alam ko.

Sa paningin ng iba, mukha akong talented at confident.

Pero ngayon na binabalikan ko? Siguro pinepeke ko ng konti ang mga yun… ah, sige na nga, siguro medyo sobra. 😅
Lumaki rin kasi akong iniisip na kailangan lagi akong mukhang perfect. Kaya ginawa ko ang lahat para hindi magkamali. Nakalimutan ko na tao lang ako… at okay lang magkamali paminsan-minsan.

Pero kahit ganun, nagpapasalamat pa rin ako.

Nung nagsimula na akong magtrabaho at mas nakita ang totoong mundo, dahan-dahan kong na-realize kung gaano karami ang hindi ko alam. (At grabe… ang dami ko palang moments na pwedeng isama sa “Bakit ba ganun ang naisip ko” na kategorya . 😆)

Pero sa totoo lang, kailangan ko ‘yun.

Kung hindi ko dinaanan yung mga “breaking” process na ‘yun, malamang wala akong natutunang mahalaga. Baka hanggang ngayon, ako pa rin yung dating lowkey na hambog na bersyon ko.

At medyo nakakatakot ‘yun isipin. Haha.

Ngayon, iba na ang tingin ko.

Ang “humbling experience” pala, hindi naman masama. Minsan, yun pa talaga ang kailangan natin para mag-improve.

Ikaw ba, naranasan mo na rin ba yung may nangyari na nagpababa sa’yo… at may tinuro ring mahalagang leksyon?