
BASAHIN SA TAGALOG
7 Aral Tungkol sa Customer Service na Hango sa Japan
Isipin mong pumasok ka sa isang tindahan.
Bago ka pa man makapagtanong, may taong ngumiti sa iyo, bumati, at handang tumulong.
Hindi mo nararamdaman na pinipilit kang bumili. Sa halip, nararamdaman mong napansin ka… at nirerespeto.
Maraming bumibisita sa Japan ang nakakapansin ng ganitong uri ng pagiging maalaga sa mga tindahan, restaurant, hotel, at iba pang negosyo. Hindi lang ito tungkol sa pagpapakita ng masayang mukha sa mga customer. Sa pinakamainam na anyo nito, tungkol ito sa paglikha ng isang environment kung saan nararamdaman ng mga tao na mahalaga sila at kung saan binibigyang-pansin kahit ang maliliit na detalye.
Syempre, walang bansang perpekto, at hindi naman pare-pareho ang paraan ng pagpapatakbo ng lahat ng Japanese businesses. Ang workplace culture sa Japan ay maaari ring maging hierarchical (may lebel) at pormal, at may ilang practices na maaaring maging masyadong istrikto o hindi pamilyar para sa mga taong mula sa ibang kultura kagaya ng sa Pilipinas.
Gayunpaman, may ilang prinsipyo na karaniwang iniuugnay sa Japanese customer service na maaaring pag-aralan at gamitin ng mga negosyante sa iba’t ibang panig ng mundo.
At ang magandang balita?
Karamihan sa mga ito ay hindi nangangailangan ng malaking budget.
༺═──────────────═༻
1. Batiin ang Bawat Customer
Sa maraming tindahan sa Japan, binabati ang mga customer pagpasok nila.
Isa sa mga pinakapamilyar na maririnig ninyo ay:
いらっしゃいませ! (Irasshaimase!)
Ang ibig sabihin nito ay parang “Welcome!” o “Welcome po!”
Maririnig ninyo ito sa department stores, convenience stores, restaurants, at maging sa maliliit na neighborhood shops.
Minsan, napakadalas marinig ang greeting na ito kaya maaaring mapaisip ang mga turista kung kailangan ba talaga nilang sumagot.
Huwag kayong mag-alala…
Hindi naman kailangan!
Ang mahalaga ay ang simpleng mensahe:
“Nakikita ka namin. Handa kaming tumulong.”
Ang isang sincere na “Good morning,” “Welcome,” o kahit isang mainit na ngiti ay halos walang gastos, pero maaari nitong maimpluwensyahan ang unang impression ng customer sa inyong negosyo.
Kribol Takeaway:
Bigyang dangal muna ang tao bago subukang magbenta sa kanya.
2. Isabuhay ang “Omotenashi” — Thoughtful Hospitality
May isang konsepto na madalas iniuugnay sa Japanese hospitality: おもてなし (omotenashi)
Sa pinakasimpleng paliwanag, ang omotenashi ay tungkol sa taos-puso at maingat na pag-aalaga sa experience ng customer. Ang pagbibigay-pansin sa kanilang pangangailangan nang hindi ipinaparamdam na isa lamang silang transaksyon.
At ito ang interesanteng bahagi: Hindi kailangang bongga.
Halimbawa, napansin ng isang staff na nahihirapang magdala ng maraming shopping bags ang isang customer. Bago pa ito humingi ng tulong, inalok na siya ng mas malaking bag.
O kaya naman, napansin nilang umuulan sa labas at binigyan nila ng plastic cover ang mga binili ng customer para hindi mabasa.
O simpleng sinigurado nilang maayos ang pagkaka-pack ng isang produkto dahil maaaring regalo pala ito.
Maliliit na bagay.
Pero ang mensahe: “Mahalaga sa amin ang experience mo.”
Iyan ang ganda ng omotenashi.
Hindi naman kailangang gumastos nang malaki.
Kailangan lang nating maging mas mapagmatyag sa maliliit na bagay.
Kribol Takeaway:
Hanapin ang maliliit na abala na maaari ninyong alisin bago pa kailangang humingi ng tulong ang customer.
3. Igalang ang Oras ng Customer
Ang oras ay isang bagay na hindi natin kayang i-refund.
Ang mga Japanese businesses ay madalas iniuugnay sa punctuality (pagiging on time), maayos na pila, scheduled appointments, at seryosong pagtupad sa mga pangako o kasundoan.
May simpleng business lesson dito: Mahalaga rin ang oras ng customer.
Walang gustong maghintay nang walang dahilan, paulit-ulit na magbigay ng parehong impormasyon, o mag-isip kung darating ba talaga ang delivery na ipinangako sa kanila.
Subukan nating tingnan ito mula sa pananaw ng customer.
Kung sinabi mong tatawag ka ng 2:00 PM, ibang-iba ang dating ng pagtawag mo ng 2:00 PM kumpara sa pagtawag ng 4:30 PM at pagsasabing: “Sorry, naging busy kasi.”
At oo, minsan may mga bagay talagang hindi natin kontrolado. Tao lang din naman tayo.
Pero ang mga negosyong consistent na gumagalang sa oras ng kanilang customers ay mas madaling pagkatiwalaan.
Kribol Takeaway:
Sumagot agad kapag kaya. Magsimula sa tamang oras. At tuparin ang mga pangako hangga't maaari.
Nakakatuwa rin na ang reputasyon ng Japan pagdating sa punctuality ay nagbunga ng ilang nakakaaliw na kwento.
Halimbawa, minsan ay humingi ng opisyal na paumanhin ang isang Japanese railway company matapos umalis ang isang tren nang 25 segundo na “mas maaga” kaysa sa schedule nito. (Oo—20 segundo. Mas maaga, hindi late.)
Naging international news ang maliit na pagkakamaling iyon.
Nakakatuwa, pero ipinapakita rin nito kung gaano kaseryoso ang punctuality sa ilang bahagi ng Japanese culture.
4. Bigyang-Pansin ang Maliliit na Detalye
Maaaring pamilyar na sa iyo ang isang ito.
Malawak na iniuugnay ang Japan sa kalinisan, kaayusan, at “attention to detail.” Sa maraming negosyo, ang malinis na counter, maayos na estante, tamang resibo, at maingat na packaging ay nakakatulong sa pagbuo ng tiwala ng customer.
At narito ang isang interesting na bagay: Maaaring hindi mapansin ng customer ang bawat maliit na detalye. Pero madalas, napapansin nila kapag wala ang mga detalyeng iyon.
Ang magulong counter ay maaaring magbigay ng impression na hindi organisado ang negosyo.
Ang pagre-rearrange ng tindahan ay maaaring gawing mas madali at mas komportable ang pamimili.
Ang maayos na pagkakabalot ng isang produkto ay maaaring magpatingkad sa isang ordinaryong item.
At wala sa mga ito ang kailangang mangailangan ng mamahaling technology o malaking investment.
, ang excellence ay nagsisimula lamang sa isang simpleng tanong:“Paano natin ito mapapaganda nang kaunti?”
Kribol Takeaway:
Mas maraming napapansin ang customers kaysa sa iniisip natin—even when they can't quite explain why.
5. Magbigay ng Consistent na Serbisyo
Bilang mga tao, gusto natin ng kaunting predictability. Yun bang alam na natin ang mangyayari minsan.
Kapag nakahanap tayo ng restaurant na gusto natin, gusto nating masarap pa rin ang pagkain sa susunod nating balik.
Kapag nakahanap tayo ng mapagkakatiwalaang repair shop, gusto nating pareho pa rin ang quality ng serbisyo sa susunod na kakailanganin sila.
At kapag nakikipag-transact tayo sa isang negosyo, ayaw nating sobrang ganda ng service tuwing Lunes pero ibang-iba naman pagdating ng Byernes.
Isa sa mga dahilan kung bakit may training, procedures, at service standards ang mga negosyo ay para magkaroon ng consistency.
Sa Japan, ang formal business etiquette at service practices ay maaaring maging sobrang structured. Ibig sabihin, ang mga empleyado ay kadalasang tinuturuan ng mga nakasanayang pamamaraan kung paano makipag-ugnayan sa customers at katrabaho.
May sabit din naman ang sobrang istrikto minsan… pag-usapan natin to mamaya.
Pero may mahalagang lesson din dito:
Hindi dapat nakaasa sa swerte ang magandang customer service.
Hindi dapat kailangang umasa ng customer na sana ay naka-duty ngayon ang “mabait na staff.”
Kribol Takeaway:
Hindi dapat nakadepende sa kung sinong employee ang naka-duty ang quality ng service.
6. Igalang ang Bawat Tao — 礼儀 (Reigi)
Narito ang isa pang Japanese word na magandang malaman: 礼儀 (reigi)
Malawak ang kahulugan nito at tumutukoy sa good manners, courtesy, etiquette, at magalang na pakikitungo sa ibang tao.
May malalim itong ugat sa Japanese social at cultural traditions at matagal nang iniuugnay sa pagpapanatili ng maayos at harmonious na mga pakikitungo.
Pero kailangan din nating maging maingat sa pagtingin dito.
Malaki ang pagpapahalaga ng Japanese society sa respect at hierarchy. Ngunit hindi ibig sabihin nito na lahat ng Japanese workplaces ay pantay o perpekto ang pakikitungo sa bawat tao.
Sa traditional workplace relationships, maaaring magkaroon ng malaking papel ang edad, seniority, position, at experience.
Halimbawa, may mga konseptong uchi at soto sa Japanese culture na tumutukoy sa pagkakaiba ng “insiders” at “outsiders,” at maaari itong makaapekto sa paraan ng pakikipag-usap at pakikitungo sa isa’t isa.
Kaya hindi ito aral tungkol sa pagkopya ng bawat aspeto ng Japanese workplace culture.
Sa halip, kunin lang natin ang magandang prinsipyo at gawing mas universal:
Tratuhin ang bawat tao nang may respeto at dignidad, anuman ang kanilang posisyon.
Kasama rito ang customers, empleyado, suppliers, delivery riders, job applicants, contractors, business partners… at oo, kahit iyong taong aksidenteng maling invoice ang naipadala sa iyo.
Hindi kailangang mayaman, senior, influential, o nakasuot ng mamahaling amerikana ang isang tao para maging deserving ng respeto.
Ang malusog na relationships sa loob ng isang negosyo ay madalas humahantong din sa mas magandang experience para sa mga taong nasa labas nito.
Kribol Takeway:
Ang respeto ay hindi dapat para lamang sa mga taong may pakinabang sa atin.
7. Patuloy na Pagpapabuti — “Kaizen”
At panghuli, narito ang isa sa mga pinakakilalang Japanese business concepts: 改善 (Kaizen)
Karaniwan itong isinasalin bilang “continuous improvement.”
Napakasimple pero napakapraktikal ng pangunahing idea: Hindi natin laging kailangan ng malaking pagbabago. Minsan, kailangan lang nating gawing mas maayos nang kaunti ang isang bagay ngayon kaysa kahapon.
Halimbawa:
Baka pwedeng gawing mas simple ang isang nakakalitong form.
O baka pwedeng ayusin ang layout ng tindahan para mas madaling makahanap ng produkto ang customers.
Baka pwedeng pagandahin ang paraan ng pag-pack ng mga orders.
O baka napapansin ninyong paulit-ulit na itinatanong ng customers ang isang bagay… kaya ilagay na lang ang sagot sa isang lugar na madaling makita.
Naiipon ang maliliit na improvements.
At habang tumatagal, ang mga maliliit na pagbabagong iyon ay maaaring maging malaking improvement para sa buong negosyo.
Kribol Takeaway:
"Ano ang isang maliit na pagbabago na maaari nating gawin para mas maging masaya ang ating customers?” Ito ang isang magandang tanong na dapat iniisip ng mga negosyante at manager.
༺═──────────────═༻
Ang mahusay na customer service ay hindi tungkol sa pagkopya ng kultura ng ibang bansa.
Tungkol ito sa pag-aaral ng magagandang ideya saanman natin makita ang mga ito.
Maraming interesting na halimbawa ang Japan kung paano maaaring isabuhay ang thoughtful business practices:
Ang mainit na pagtanggap sa customers.
Ang pag-iisip tungkol sa kanilang pangangailangan.
Ang pagrespeto sa kanilang oras.
Ang pagbibigay-pansin sa maliliit na detalye.
Ang pagiging consistent.
Ang magalang na pakikitungo sa mga tao.
At ang patuloy na paghahanap ng paraan para maging mas mahusay.
Wala sa mga prinsipyong ito ang eksklusibong pag-aari ng Japan.
At iyan mismo ang dahilan kung bakit sulit silang pag-aralan.
Hindi natin kailangang kopyahin ang lahat.
Maaari lamang nating itanong:
“Ano ang gumagana sa kanila…. at paano natin maaaring iangkop ang prinsipyong iyon sa sarili nating negosyo?”
Madalas, nakakagulat kung gaano kamura ang pinakamagagandang leksyon.
Isang pagbati.
Isang malinis na counter.
Isang pangakong tinupad.
Isang order na maayos na naka-pack.
Kaunting pasensya.
Isang thoughtful na gesture.
Isang taos-pusong “Salamat po.”
Maaaring makalimutan ng customers kung ano mismo ang sinabi mo o kung ano ang binili nila sa iyo.
Pero madalas nilang naaalala kung ano ang naramdaman nila habang nakikipag-transact sa iyong negosyo.
Kapag nararamdaman ng mga tao na nirerespeto at pinapahalagahan sila, mas malaki ang posibilidad na bumalik sila, irekomenda ang negosyo sa iba, at bumuo ng pangmatagalang relationship na makikinabang ang lahat.
At marahil, may isa pang huling lesson na hindi natin dapat kalimutan:
Lahat tayo ay customer sa ibang pagkakataon.
Pumapasok tayo sa tindahan ng ibang tao.
Bumibili tayo ng serbisyo ng ibang tao.
Naghihintay tayo ng delivery ng ibang tao.
Humihingi tayo ng tulong sa ibang tao.
Kaya marahil, ang pinakamadaling paraan para pagbutihin ang sarili nating customer service ay ang simpleng pag-alala sa isang bagay: Paano ba natin gustong tratuhin tayo?
Pagkatapos, ibigay natin ang ganoong experience sa mga taong nagtitiwala sa atin at nagbibigay ng kanilang pagtangkilik.
Imagine walking into a store.
Before you even ask a question, someone smiles, welcomes you, and is ready to help.
You don’t feel pressured to buy anything. You simply feel noticed… and respected.
Many visitors to Japan notice this kind of attentiveness in shops, restaurants, hotels, and other businesses. It isn’t simply about putting on a cheerful face for customers. At its best, it’s about creating an environment where people feel valued and where small details are taken seriously.
Of course, no country is perfect, and not every Japanese business operates in exactly the same way. Japanese workplace culture can also be quite hierarchical and formal, and some practices may feel rigid or unfamiliar to people from other cultures.
Still, there are several ideas commonly associated with Japanese customer service that entrepreneurs around the world can learn from.
And the good news?
Most of them don’t require a huge budget.
༺═──────────────═༻
1. Welcome Every Customer
In many Japanese shops, customers are greeted as they enter.
One of the most familiar phrases you’ll hear is:
いらっしゃいませ! (Irasshaimase!)
It means something like “Welcome!” or “Welcome in!”
You may hear it whether you’re walking into a department store, convenience store, restaurant, or small neighborhood shop.
Sometimes the greeting is so common that visitors may wonder if they are actually expected to respond.
Don’t worry… you generally don’t have to!
The important part is the simple acknowledgment: We see you. We’re ready to help.
A sincere “Good morning,” “Welcome,” or even a warm smile costs almost nothing, but it can shape a customer’s first impression of your business.
Kribol Takeaway:
Acknowledge people before you try to sell to them.
2. Practice “Omotenashi” — Thoughtful Hospitality
One concept often associated with Japanese hospitality is:
おもてなし (omotenashi)
At its heart, omotenashi is about thoughtful, sincere hospitality… giving careful attention to the customer’s experience without making the interaction feel like a transaction.
And here’s the interesting part: It doesn’t have to involve anything extravagant.
Imagine a shop employee noticing that a customer is struggling to carry several bags and offering a larger bag before being asked.
Or noticing that it’s raining outside and offering a small plastic cover for the customer’s purchases.
Or simply making sure that a product is packaged neatly because the customer might be giving it as a gift.
These little things communicate: “We care about your experience.”
That’s the beauty of omotenashi.
You don’t necessarily need to spend more money. You need to pay more attention.
Kribol Takeaway:
Look for small inconveniences you can remove before customers have to ask.
3. Respect the Customer’s Time
Time is one thing we can never refund.
Japanese businesses are often associated with punctuality, orderly queues, scheduled appointments, and a strong emphasis on keeping commitments. Japanese business etiquette places considerable importance on punctuality and reliability.
And there’s a simple business lesson here: Your customer’s time is valuable too.
Nobody enjoys waiting unnecessarily, repeating the same information three times, or wondering whether a promised delivery will actually arrive.
Think about it from the customer’s perspective.
If you tell someone you’ll call at 2:00 PM, calling at 2:00 PM feels very different from calling at 4:30 PM with, “Sorry, I got busy.”
And yes, sometimes life happens. We’re all human.
But businesses that consistently respect people’s time build a reputation for reliability.
Kribol Takeaway:
Respond promptly. Start on time. Keep your promises whenever possible.
Interestingly, Japan’s famous obsession with punctuality has produced some wonderfully amusing stories.
For example, a Japanese railway company once apologized after a train departed 20 seconds “earlier” (yes, not even late) than scheduled. A tiny mistake that became international news. The story is a fun reminder of just how seriously punctuality can be taken in Japan.
4. Pay Attention to Small Details
You may already know this one.
Japan is widely associated with cleanliness, organization, and attention to detail. In many businesses, clean counters, organized shelves, carefully prepared receipts, and thoughtful packaging all contribute to the customer’s sense of trust.
And here’s something interesting: Customers may not consciously notice every little detail. But they often notice when those details are missing.
A messy counter can make a business feel less trustworthy.
A carefully organized store can make shopping feel easier.
A neatly wrapped purchase can make an ordinary product feel more special.
None of these things necessarily require expensive technology or a massive investment.
Sometimes, excellence is simply the result of asking: “Can we make this a little better?”
Kribol Takeaway:
Customers notice more than we think—even when they can't quite explain why.
5. Build Consistency
As humans, we generally like predictability.
When we discover a restaurant we love, we want the food to taste good the next time we visit.
When we find a reliable repair shop, we want the same level of service the next time we need them.
And when we deal with a business, we don’t want excellent service on Monday and completely different service on Friday.
Consistency is one of the reasons businesses invest in training, procedures, and service standards.
In Japan, formal business etiquette and service practices can be highly structured, with employees often trained to follow established ways of interacting with customers and colleagues.
There is certainly a downside to excessive rigidity… we’ll get to that later.
But there is also something valuable here: Customers should not have to depend on luck.
They shouldn’t have to hope that the “good employee” happens to be working today.
Kribol Takeaway:
Good service shouldn't depend on which employee happens to be on duty.
6. Treat People with Respect — 礼儀 (Reigi)
Here’s another Japanese word worth knowing: 礼儀 (reigi)
It refers broadly to manners, courtesy, etiquette, and respectful conduct. The concept has deep roots in Japanese social and cultural traditions and has long been associated with maintaining harmonious relationships.
But let’s be careful here.
Japanese society places a strong emphasis on respect and hierarchy, yet that doesn’t mean every Japanese workplace treats every person equally or perfectly. Age, seniority, position, and experience can matter significantly in traditional workplace relationships.
Japanese concepts of uchi and soto, for example, distinguish between insiders and outsiders and can influence how people speak and behave toward one another.
So this isn’t a lesson about copying every aspect of Japanese workplace culture.
Instead, let’s take the good principle and make it more universal: Treat people with courtesy and dignity regardless of their position.
That includes customers, employees, suppliers, delivery riders, applicants, contractors, business partners—and yes, even the person who accidentally sent you the wrong invoice.
A person shouldn’t have to be wealthy, senior, influential, or wearing an expensive suit to deserve basic respect.
Healthy relationships inside a business often create better experiences outside of it.
Kribol Takeaway:
Respect shouldn't be reserved for people who can do something for us.
7. Keep Improving — “Kaizen”
Finally, we come to one of the most famous Japanese business concepts: 改善 (Kaizen)
It is commonly translated as “continuous improvement.”
The basic idea is wonderfully practical: You don’t always need a massive transformation. Sometimes, you just need to make something a little better today than it was yesterday.
Maybe you simplify a confusing form.
Or you could rearrange your store so customers can find things more easily.
Maybe you improve the way orders are packed.
Or you discover that customers keep asking the same question… and decide to put the answer somewhere visible.
Small improvements can accumulate.
And over time, those small improvements can become significant.
Kribol Takeaway:
"What's one small change we can make that would make our customers happier?" is a question worth asking ourselves in business.
༺═──────────────═༻
Excellent customer service isn’t about copying another country’s culture. It’s about learning from good ideas wherever we find them.
Japan offers many interesting examples of what thoughtful business practices can look like: welcoming customers warmly, anticipating their needs, respecting their time, paying attention to details, creating consistency, treating people with courtesy, and continuously looking for ways to improve.
None of these ideas are exclusively Japanese. And that’s precisely why they’re worth learning from.
We don’t have to copy everything. We can simply ask: “What works here—and how can we adapt the principle to our own business?”
The best lessons are often surprisingly inexpensive.
A greeting.
A clean counter.
A promise kept.
A carefully packed order.
A little patience.
A thoughtful gesture.
A sincere thank-you.
Customers may forget exactly what you said or what you sold them.
But they often remember how your business made them feel.
When people feel respected and valued, they’re more likely to return, recommend your business to others, and build relationships that benefit everyone.
And perhaps there’s one final lesson we shouldn’t forget:
We are all customers somewhere.
We walk into someone else’s store. We order someone’s service. We wait for someone’s delivery. We ask someone for help.
So, perhaps the easiest way to improve our own customer service is to remember how we want to be treated.
Then give that experience to the people who trust us with their business.
